8 lasenggo sa kalye, inaresto

By

Dinampot ng mga awtoridad ang walong lalaki habang nag-iinuman sa kalsada sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Unang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Station 6 sina Albani Sultan, 18; Omair Pandara, 40; Habdul Ma­ded, 25, at Nawak Satar, 25, pawang nakatira sa Brgy. Holy Spirit habang nag-iinuman sa kalsada sa Commonwealth Avenue sa Brgy. Old Balara pasado alas-11:00 ng gabi.

Sumunod na binitbit naman ng mga nagpapatrulyang miyembro ng Barangay Peace and Security Office at dinala sa naturang himpilan ng pulisya sina Jay Altarejos, 23, taga-Brgy. Commonwealth; Ryan Reyes, 26; Denver Buenaventura, 30, at Jaypee Teves, 22, pawang mga taga-Brgy. Batasan Hills dahil maingay na nagtatagayan sa Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills dakong alas-10:55 ng gabi.