47 patay, sugatan sa operasyon sa Mindanao

By
734

Napatay at nasugatan ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang halos limampung lokal at dayuhang terorista sa loob lamang ng tatlong araw na operasyon sa Gitnang Mindanao.

Nabatid kahapon kay Western Mindanao Command (WesMinCom) chief Major General Carlito Galvez, Jr., maituturing na nakapipilay na hagupit ito sa mga bandidong nagkukuta sa iba’t ibang lugar sa Central Mindanao.

Una nang naglunsad ang Joint Task Force ­Central (JTF-C) ng air at ground operations laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nagresulta ng pagkamatay ng 21 at pagkasugat ng 26 iba pang bandido.

Ayon kay Galvez, ang mga nabanggit na lider-terorista ay kaalyado umano ni Marwan, ang napatay na Malaysian terrorist ng mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.