4 patay sa pamamaril sa Agusan

By ,
119

Utas ang apat na katao matapos na pagbabarilin habang nag-iinuman sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa Purok 1, Brgy. 3, Poblacion, kung saan napatay sina Bryan Pagal, Lotter Ladria, Jade Tagaro, at Ricky Careras, pawang mga residente ng Brgy. 3 Poblacion. Ginagamot naman sa ospital ang sugatang si Jarrey Abasolo.

Nag-iinuman umano at nagkakantahan ang mga biktima nang biglang sumulpot ang armadong grupo at saka sila tinadtad ng bala.

Samantala inihayag naman ng nakaligtas na si Jarrey na blangko siya sa motibo sa pamamaril dahil wala siyang kalaban at wala ring kaaway ang kanyang mga kasamahang basketbolista.