Abante Tonite Interactive

4 kilo ng marijuana nakumpiska sa Lucena

By
3

Apat na kilo ng marijuana ang ­nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon Provincial Drug ­Enforcement Group sa isang raid sa Lucena City ­kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng Search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Kim Roales, 28-anyos, sa Barangay Cotta, Lucena City.

Sa paghahalughog, nakakuha ang mga police ng apat na balot ng pinatuyong ‘damo’ na tumitimbang ng apat na kilo at nagkakahalaga ng P220,000.