30 bahay naabo sa Pasay fire

By ,

Libu-libong ari-arian ang naabo kasama na ang 30 bahay na gawa sa light materials sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Sa isinumiteng report ni Pasay City Bureau Fire Marshal Supt. Carlos Duenas, nagsimula ang sunog dakong alas-singko ng madaling-araw sa kanto ng David Street at F.B Harrison, Buendia Avenue, Barangay 23, Zone 2 ng nasabing lungsod, sa bahay ni Lyndon Tongco, nasa hustong edad, dahil sa napaba­yaang nakasin­ding kandila.

Hanggang sa kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa lamang sa light materials.

Makalipas ang mahi­git dalawang oras, naapula ang apoy na umabot sa ika-apat na alarma at dakong alas-7:47 ng umaga nang ideklarang fire out ito.

Wala namang inulat na nasaktan o nasawi.