3 dedo sa Sulu jailbreak

By ,

Patay ang tatlong inmates habang isa ang sugatan sa naganap na jailbreak kahapon sa Jolo Municipal Provincial Jail sa Sulu.

Sa ulat ni ARMM regional police director, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, bandang ala-una ng madaling-araw nang maganap ang jailbreak kung saan tatlumpu’t walong preso ang nakatakas pero muli namang nasakote ang 24 at 10 pa ang pinaghahanap.

Tiniyak naman ni Sindac na nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang hot pursuit operations ng Jolo Municipal Police, PPSC at RPSB laban sa 10 inmates na nakatakas.

Patuloy namang iniimbestigahan ng PNP, ARMM at SOCO ang naturang jailbreak incident.