3 carnapper patay sa operatiba

By

Nakabulagta ang tatlong carnapper sa loob ng Neopolitan Business Park, Belfast Avenue, Cor. Mindanao Ave., Ext., Brgy.  Grater Lagro, Quezon City matapos na manlaban sa mga pulis ng QCPD District Special Operation Unit sa isinagawang follow up opperation  sa mga suspek matapos carnapin ang PCoop Four taxi (UWK-806) na pinapasada ni Allan Diesta sa V-Luna St. Quezon City. (Photo By: Paez Lopez)

Patay ang tatlong carnapper matapos manlaban sa operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang madaling araw sa Brgy. Grater Lagro, Quezon City.

Hiwa-hiwalay na nakabulagta ang tatlong hindi pa nakikilalang suspek matapos ang ilang minutong pakikipagbarilan sa mga rumespondeng pulis bandang alas-2:00 ng madalig araw.

Ayon sa driver ng ninakaw na PCOOP FOUR taxi (UWK 806) na si Allan Diesta, sumakay ang tatlong suspek sa bahagi ng Katipunan area at pagsapit ng sa V. Luna ay nagdeklarang kakarnapin ang sasakyan.

Wala nang nagawa ang taxi driver kundi ibigay ang sasakyan at kumaripas ng takbo dahil sa takot na patayin ng mga suspek.

Ipinagbigay alam agad sa nagpapatrolyang mga pulis ng QCPD Station-5 ang insidente kaya’t mabilis na nagsagawa ng followup operation ang operatiba ng QCPD-District Special Operation (DSOU).

Nakorner sa bahagi ng Neopolitan Business Park, Belfast Avenue, Cor. Mindanao Ave., Ext., Brgy. Grater Lagro ang mga suspek lulan ng kinarnap na taxi at dito nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapatay ang tatlo.

Narekober sa shooting incident ang gamit na baril ng mga suspek na dalawang cal 45 pistol at isang cal 38 na revolver.