2ND ‘W’ KINUBRA NG BEDA, CEU


Nagsipagposte ang San Beda College-Muntinlupa at Centro Escolar University-Manila ng kambal na ragasa sa maagang pag-angas sa 48th WNCAA volleyball tournament.

Winalis ng SBC Red Lionesses ang league roo­kie University of Makati,­ 25-22, 29-27, 25-21, itinumba ng CEU Scorpions ang Assumption College, 25-9, 25-27, 25-15, 25-18 nitong weekend sa Rizal Memo­rial Coliseum.

Sa opening noong Sept. 3, unang nilapa ng Beda ang PWU 25-14, 25-18, 25-20, at kinaldag ng Scorpions ang UMAK, 21-25, 25-14, 29-31, 25-19, 17-15.

Dinemolis ng midgets squad ng De La Salle-Zobel ang St. Stephen’s High School 25-5, 25-15, sinakmal ng DLSZ juniors ang host St. Pedro Poveda College, 25-6, 25-9, 25-10.

Nag-debut ang PWU sa seniors basketball sa 96-43 masaker sa Red ­Lionesses sa Assumption Makati gym noong Linggo.

Sa juniors, dinikdik ng defending champion Chiang Kai Shek College ang Angelicum College, 87-48, at ungos ang San Beda kontra St. Paul College-Pasig, 73-72, para pamunuan ang Group A sa 2-0 cards.

May gayunding baraha sa Group B ang DLSZ na winasiwas ang St. Jude Catholic School, 104-21, at La Salle College Antipolo na 70-28 winner sa Poveda.

At sa midgets, ginim­bal ng Miriam College ang seven-time champs DLSZ Lady Junior ­Archers, 58-56.


SHARE
Previous articleMisyon ni Coco, bistado na
Next articleBlooming si Ross