2k huli sa jaywalking

By ,
518

Mahigit sa 2000 pa­saway na pedestrians ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos lumabag ang mga ito sa anti-jaywalking.

Sa datos ng MMDA Anti-Jaywalking Unit, umabot sa 2,211 jaywal­kers ang kanilang nahuli simula noong Enero 1 hanggang Pebrero 14 ng taong kasalukuyan.

Nabatid na naayos na ng 388 violators matapos silang magbayad ng multa na halagang P500 at ang 1,823 ay hindi pa nakakabayad ng multa kung kaya’t nakabinbin ito sa ahensiya, na posibleng maging case record nila ito.

Sakaling hindi ma­kapagbayad na ng mul­tang P500 ang mga violator, maaaring magsagawa sila ng tatlong oras na community service, na ini-schedule tuwing hu­ling araw ng Biyernes ng buwan nang sa gayon ay ma-settle nila ang kanilang naging paglabag.

Kahapon ay mariing pinaalalahanan ng MMDA ang lahat ng tsuper, na huwag magbaba at huwag magsasakay ng mga pa­sahero sa mga lugar na hindi designated na loa­ding at unloading area.

Maging ang mga mananakay ay pinaalalaha­nan din ng ahensiya na huwag bababa at sasakay sa mga area na hindi loa­ding at unloading area.