21 arestado sa sugal

By

Pumalo sa 21-katao ang naaresto sa loob ng dalawang linggo ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) kaugnay sa iligal na sugal sa Lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Marikina at San Juan, bunsod ng mahigpit na kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ayon kay EPD Director Chief Supt. Romulo Sapitula, ang mga naaresto ay sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling sa piskalya.

Sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad, humigit sa P2,107 “bet money” ang nakumpiska sa mga naaresto na kung saan agad naman dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.

Sinabi ni Sapitula, sa oras na mapatunayang guilty sa kanilang gina­wang pagsusugal ay maaari silang makulong ng 30-araw hanggang 20-taon.

Kung mapatunayan na ang kolektor, ahente, coordinator, kontroler, supervisor, maintainer, ma­nager, operator, pinanser o kapitalista ng alinmang iligal na pagsusugal ay isang empleyado o opisyal ng gobyerno, ay mahaharap sa 12-taon hanggang 20-taon na pagkakakulong at magbaba­yad pa ng piyansa ng hala­gang P3 milyon hanggang P5 milyon at matatanggal sa kanilang serbisyo.