2016 OFW remittances sadsad?

By
544

Ibinaba ng Bangko­ Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 4 percent mula 5 ­percent ang projected­ growth rate ng OFW ­remittances para sa ­kabuuan ng 2016.

Anytime now ay inaasahan natin na lalabas na ang BSP annual report for 2016 kung saan makikita ang month-on-month at year-on-year breakdown ng OFW remittances.

Masasabing optimistic talaga ang pagkaka-peg ng BSP ng 5 percent projected growth rate para sa 2016 OFW remittances considering na 3.8 percent lang ang growth rate noong 2015.

US$28.3 billion

Para sa entire 2015 ay US$28.3 billion ang OFW remittances.­ So, with the revised ­projection para sa 2016, it ­remains to be seen kung mabi-breach ang US$30 billion mark.

Kung pumalo man sa 4 percent ang growth ng OFW remittances para sa 2016 at considering ang 3.8 percent growth rate noong 2015, masasabing nasa downswing ang OFW remittances.

Ito ay ikukumpara ­natin sa growth rate na 7.5 percent noong 2014 kung kailan ang total OFW ­remittances ay US$27.2 billion at growth rate na 8.6 percent noong 2013 (US$25.3 billion).

Up-down

Isinisi ng BSP sa “ups and downs” sa volume ng cash na pinadala ng OFWs nitong 2016 ang pagbaba ng growth rate projection.

Hindi raw nag-­materialize ang malaking­ padala ng OFWs nitong “ber” months lalo pa’t sumadsad ito below 1 percent noong October.

Traditionally ay nagpi-peak ang padala ng OFWs kapag “ber” months dahil sa dagdag-gastusin ng OFW families in relation sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Downsizing

As much as possible, hindi naman natin gustong gumawa ng assumptions kung bakit bumababa ang remittances pero it may have to do sa deployment figures na hopefull­y ay makukuha natin sa ­annual report naman ng POEA.

‘Yan na nga ang tinutumbok ng BSP nang sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na nagkaroon daw ng slowdown sa global­ labor market lalo na ‘yung “major markets” para sa OFWs.

Off the bat, ang ­labor downsizing ng maraming­ kumpanya sa Saudi­ ­Arabia, ang No. 1 ­employer ng OFWs, ay puwedeng i-cite in support ng prognosis ng BSP.

May epekto rin daw ang paghihigpit sa maraming bansa sa pagpapadala ng remittances in response sa concern na napopondohan through remittances ang ilang t­error organizations.

Come follow Me On Twitter @beeslist or call 551-5163 or email ­usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.