2 napatay sa serye ng barilan sa Mandaluyong, 2 pa sugatan

By

Dalawang lalaki ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan sa apat na insidente ng pamamaril sa Mandaluyong City kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Gilberto del Rosario at Pascualito Caz­carro, habang tinukoy naman ang mga nasugatan na sina Romeo Dayanes at John Paul Paguio, pa­wang residente ng Mandaluyong City.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police sa Eastern Police District (EPD), nabatid na alas-7:05 ng umaga kamakalawa nang mabaril si Del Rosario, nasa hustong gulang ng mga ‘di kilalang suspek sa Boni Avenue, Barangka Ilaya.

Samantala, naglalakad lamang si Cazcarro, 46, pauwi sa 918 Giarte Street sa Barangay Hulo, nang pagbabarilin ng apat na kilalang suspek dakong ala-1:10 ng madaling-araw kahapon sa Coronado Street, kanto ng Bliss Street sa Barangay Hulo.

Alas-4:15 ng hapon naman nang pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek si Daya­nes sa Martinez Street, Welfareville Compound sa Barangay Addition Hills habang nag­lalakad.

Sugatan rin si John Paul Paguio, nasa hustong gulang, nang pagbabarilin ng mga ‘di kila­lang suspek sa kanyang bahay sa 64 Purok 3, Barangay Mauway dakong alas-6:20 ng gabi kamakalawa.