2 bagets hinalay ng kapitbahay

By

Isang 59-anyos na la­laki ang dinakip makaraang gahasain umano nito ang dalawang menor-de-edad na kapitbahay sa Lungsod ng Maynila.

Nakilala ang suspek na si Victorino Catalig, 59, residente ng Sulu St., Santa Cruz, Maynila.

Sa bisa ng isang search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC), dinampot ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek sa pinagtaguan nito sa Novaliches.

Sinasabing si Catalig ang itinuturong nanggahasa sa 11-taong gulang na kapitbahay at nangmolestiya sa isa pang 16-an­yos na dalagita sa kanilang lugar.

Itinanggi naman ng suspek ang bintang sa pagsasabing kaibigan nito ang dalawang biktima at hindi niya minolestiya ang mga ito.

Kasalukuyang nakapiit sa CIDG ang suspek na mahaharap sa patung-patong na kasong rape at statutory rape na kapwa walang piyansa.


SHARE
Previous articleFUN PAGE 01/12/2017
Next articleGREETINGS 01/12/2012