2-0 NA ANG WARRIORS


OAKLAND, California — Nakapanggi­pit ang Golden State Warriors­ sa depensa tungo sa 110-81 pamumulbos sa Portland Trail Blazers, at itarak ang 2-0 lead sa kanilang 71st NBA 2016-2017 first-round playoff series Huwebes (Manila time) sa Oracle Arena rito.

Sumabak na walang injured star Kevin Durant, pinerder ng Golden State ang Portland sa karampot na 12 points sa third quarter upang maiposte ang 11th straight home win sa Trail Blazers­ sa rematch sa nakaraang taong Western Conference semi­final series.

Wala sa game si ­Durant sanhi ng calf strain.

“You got to be aggressive. Tonight we didn’t ­really get it going and we had some dry spots but we won the game with our defense,” litanya ni Warriors star Stephen Curry. “We asserted ourselves in first quarter that set the tone for the game.”

Tumangay si Curry ng 19 points at kumampay si Klay Thompson ng 16 sa easy win ng Warriors kahit na 11 fewer points kumpara sa 121-109 win nila sa opening game ng serye. Si JaValle­ McGee ay nagsumite ng 15 points.

Dadayo ang GSW sa Portland para sa susunod na dalawang laro ng best-of-seven series, kung saan target na maangkin ang Game Three sa Sabado.