14 NEW YEAR’S Resolutions:

By

Habang ang iba ay aba­la sa paglasap ng hu­ling araw ng kanilang holiday vacation o abala sa pagkain, ang iba naman ay abala sa pagiisip ng mga gagawin nila sa buhay nila ngayong taong 2017.

Kung ako ang tatanungin niyo, marami rin akong gustong gawin o baguhin sa mga ginagawa at nakasanayan ko, katulad na lamang halimbawa ng hindi paliligo, haha, joke lang!

Ito seryoso, gusto kong matutong kumain ng gulay, magbawas sa matatamis na pagkain, magsuklay lagi ng buhok, iwasang gawing nail cutter ang ngipin ko at huminto sa pagni-nail biting, maging mahinahon at huwag masyadong hyper, magkaroon ng mas mahabang tulog, iwasang maglaro ng sabay-sabay ng video games (na dahilan ng pagiksi ng tulog ko!) magbasa pa ng mas maraming aklat, huminto sa paninigarilyo at iba pa.

Anyways, dahil isa sa mga paborito kong number ang 14 ay gumawa ako ng Top 14 na base sa pakikipag-chismisan ko ay swak na New Year’s Resolution na napagtanto kong pasok na pasok ngayong mga panahon na ito, siyempre base ito sa survey-surveyhan na ginawa ko, e baka kako trip niyo rin ng ganitong pagbabago at makatulong naman sayo, kaya game na!

Top 14

Get in Shape:

Pagbabawas ng timbang, alam mo ang lahat ng natanong kong babae at may ilang lalaki rin actually ang may gustong magbawas o magdagdag ng timbang, well, getting in shape is not a bad thing kasi nga para naman sa health.

Top 13

Improving concentration and mental skills:

Maraming tao ang naghahanap ng paraan para ma-improve ang kanilang focus at mental skills, sa henerasyon na­ting ito ay marami na ring mga techniques na ina-apply para ma-boost ang concentrations at mental skills, puwede ring magtungo sa mga eksperto para rito, kapag naisagawa na ang mga ito ay matutulungan ka nitong ma-control ang iyong mood at matututunan mo ring mabilis na maresolba ang problema.

Top 12

Meet new People:

Kung araw-araw namang pare-parehong mga mukha na lamang ang iyong nakakasalamuha sa trabaho, huwag kang matakot na lumabas at maghanap ng mga tao o mga bagong kaibigan na makakapagbigay ng bagong mga opinyon at kuru-kuro at siyempre magiging reason ito for you to have fun, beneficial ito sa iyong mental well being maging sa career, kaya huwag kang magmukmok sa loob lang ng bahay niyo o kwarto mo, lumabas ka at subukang makakilala ng mga bagong tao.

Top 11

Be more Active:

‘Yung iba naman ay walang mga problema sa kanilang figures o sa timbang, nagagawa pa ngang makapag-exercise o mag-gym ng iba dalawa o tatlong beses sa isang linggo pero sa mga karamihan sa kanila ay nakaupo lang sa kani-kanilang mga opisina na sa totoo lang ay may negatibo ring epekto sa kanilang postura at kalusugan, kaya kung nakaupo ka lang maghapon sa trabaho mo gumawa ka ng paraan upang gumalaw-galaw naman.

‘Yung spine mo na ‘yan, habang matagal ‘yang nakabaluktot o diretsong-diretso habang nakaupo ay posibleng mai-stock, sige ka ikaw din! Haha! Mas maigi pa rin ‘yung maya’t mayang gumagalaw ang lahat ng parte ng katawan.

Top  10

Start eating healthier food:

Umpisahan mo nang kumain ng mausustansiyang pagkain o hindi kaya ay magbawas ka nang kumain ng mga junk foods, actually mahirap gawin ito, lalo na kung paglabas mo ng bahay ay napapalibutan ng katakam­takam na amoy at itsura ng mga pila-pilang mga nagtitinda ng mga street food, ang solusyon dito, ay siyempre malupit na disiplina at siyempre pag-aralan mo ring maigi kung paano mako-control ang emotional eating habit.

Top 9

Be more confident and take some chances:

Kung confident ka, siyempre mas madali na iparating sa iba ang iyong mga opinyon o kung lala­ki ka mas madali ring magtanong kung puwedeng manligaw o kung puwedeng makipag-date, ang good dose ng self confidence ay makakatulong sa iyo sa mas masayang buhay, overall, huwag kang magdalawang isip na magkaroon ng inputs sa kung paanong mabu-boost ang iyong confidence.

Top 8

Earn more money:

Maging ‘yung mga bilyonaryong mga tao nga naghahanap pa rin ‘yang mga ‘yan ng paraan kung paanong lalong mapapalago o kung paanong mas kikita pa ng pera, e ako pa kaya, ahahaha! Eh tayong mga may karaniwang estado sa panana­lapi ay dapat mag-isip din ng extra income para naman medyo madagdagan at maging komportable ng kahit kaunti ang ating buhay pananalapi, hehe, marami diyan, puwede kang mag-side jobs, magtrabaho bilang freelancer.

Top 7

Be more Polite:

Ang “Good Manners” ay may napaka mahalagang papel sa ating sibilisasyon, may madali nitong ikinukunekta ang ating mga sarili sa iba, iwasang maka-offend ng ibang tao at asahang ganoon din ang gagawing pakikitungo sa iyo ng iba at higit pa doon ay madali ka nilang pagkatiwalaan, kung maka-encounter ka naman ng talagang rude na tao, pag-aralan mo ring maki-deal sa kanila in the right way at the end they will just feel sorry for themselves, haha!

Top 6

Reduce stress: 

Ang sabi nga nila ang STRESS ay isa sa mga biggest killers na madali lang mahagilap sa tabi-tabi at may napaka destructive effect, maaaring hindi ito maiiwasan lalo na sa ating henerasyon at lifestyles, pero nama-manage ito at puwedeng maging kapakipakinabang sa atin, may mga stress management na ring nadiskubre ang ilang mga eksperto.

Top 5

Learn to be happier with your life: 

Kahit ‘yung mga mala-Dyosa na sa ganda at mga mala-Gigolo o mga may nag-gagandahang katawan at inuulan lagi ng salapi ay hindi pa rin masasabing may maligaya o masaya na silang buhay, kailangan mo ng mahabang-mahabang pasensya upang matutunan mong magkaroon ng kaligayahan sa mga maliliit na bagay na nakapalibot sa iyo at huwag na huwag mong hahayaang ibagsak ka ng kahit anong problema.

Top 4

Get more quality sleep:

Sa ngayon na may mga naglalakihan nang mga LED Smart Television na mga naka-surround sound pa, mga computers, smartphones, tablets at iba pang mga gadgets, napaka hirap na makakumpleto ng tulog lalo na kung kailangan mong gumising ng maaga dahil may pasok ka sa school o trabaho o iba pang appointments, kailangan kasi natin ng atleast 8 hours na tulog sa isang gabi at para maisakatuparan ito ay kaila­ngan mo rin magbawas ng mga gingawa mong hindi importante.

Top 3

Read more, Magbasa! Magbasa at Magbasa:

Sabi nga ni Kris Aquino sa isang commercial “It Pays to Read!” tama nga naman, ang pagbabasa ng aklat at iba pang mga reading materials base sa aking karansan ay malaki ang naitutulong to gain a lot of knowledge, isa rin itong magandang exercise sa brain, pero unlike sa panunuod ng mo­vies mas gumagana ‘yung imagination ko sa pagbabasa, naroon ‘yung gumagawa ka ng settings ng story sa isip mo, tapos inimbento mo sa utak mo ‘yung itsura nu’ng mga characters sa binabasa mo at siyempre puwede mo ring gawing ikaw mismo ‘yung bida du’n sa story.

Top 2

Spend more time with the people that matter:

Maikli ang buhay para sayangin ito sa mga walang kwentang bagay o insincere, duplictous at toxic na mga tao, dapat mag-focus tayo sa mga taong mahal natin at pinapahala­gahan at gayundin vice versa, sa ganitong paraan ay mas malaki ang tiyansang mamuhay ng mas maligaya at masaya.

Top 1

Give up cigarettes: 

Ito ang Top 1 ko dahil ito ang pinaka mahirap na gawin para sa akin, hehe, ang paninigarilyo ay hindi lamang delikado sa ating kalusugan kung hindi magastos din, ang pinaka murang sigarilyo ngayon ay nasa P40.00 isang kaha, so kung panay-panay ka, mga isa’t kalahating kaha ang mako-consume mo sa isang araw, P60.00 na ‘yun, e multiply mo yun sa 30 days o 31 days, e ‘di P1,800.00 o P1,860 din ang nalulustay mo sa isang buwan, pambili mo na rin ‘yun ng diapers o milk kung may baby ka o pangdagdag na rin sa monthly bills mo, kung hindi mo naman kayang biglaing iwasan, i-dahan-dahan mo, may scientific explanation kasi kung ang tagal mo na nga rin namang naninigarilyo tapos nasa system mo na ‘yun, kung bigla mo nga rin namang ihihinto hahanapin na ‘yun nung sistema mo.

Ewan ko lang ha, pero ‘yang mga pinagsasabi kong ‘yan, suggestions ‘yan at base nga sa nakalap ko habang nakikipag-chismaks ako, baka naman mamaya hanapan niyo ko ha? Nasa iyo ‘yan kung ano trip mong gawin, so till here.. Sa uulitin..

Happy New Year and God Bless Us All!